My Comments on Gloc-9’s ‘Kumpisal’

Inaanyayahan tayo sa kanta na ito na mangumpisal, lalo na sa mga dilat ang mata sa mga maling akala at may kamalayan sa mga panlilinlang ngunit pumapanig pa rin sa mga tiwali.

Hindi lang po ito sa aspektong pulitikal kung hindi ay sa lahat ng mga bagay rin. May ilang mga katoliko o pari kasi na kadalasan sinasabing sapat na ang sumusunod tayo sa ating konsensya at hindi malaking kasalanan ang pagsoporta sa mga taong gumawa at gumagawa pa ng kasamaan. Sa ganitong aproach, para na ring hindi nagagamot ang ating kasalanan. Dahil dito, hindi tayo nakakaramdam ng pagsisisi, sa katunayan ay patuloy pa rin tayong sumusuporta sa ganitong mga tao sa lahat ng plataporma lalo na sa social media.

Pero hindi dahil hindi natin ramdam ang kapatawaran at pagbabago, ay iisipin na nating walang epekto ang pangungumpisal. Sa katunayan, ang sakramentong ito ay laging epektibo kung talagang pinagsisisihan natin ang ating ginawang kasalanan at may layunin na hindi na uulitin ang mga kasalanang nagawa. Kaya ang payo sa atin sabi ng kanta ay mangumpisal pa rin para mapatawad muli!

“Sa Dami Ng Beses Na Ika’y Tinawag, Para Lang Humingi Sa’yo Ng Patawad, Kaya Naman Paulit-Ulit Ko Itong Binabalikan, Dahil Sa Pangako Mong Pagmamahal, Na Walang Hanggan, Pagpalain Mo Akong Muli, Aakayin Ng Walang Atubili, ‘Di Bibilangin Ang Pagkakamal, Patawarin Mo Akong Muli!”

Ano ang mali sa video? Ang shooting at ginanap sa loob ng simbahan. Kahit na ginawa ito sa green screen, masama pa rin ang kinalabasan ng video dahil iisipin ng karamihan na puede pala gamitin ang simbahan sa anumang kadahilanan. Ngunit ang mga ito ay may pahintulot ng lokal na pari. Siya ang maghuhusga kung ang mga ganitong aktibidad ay makabubuti sa kanyang lokal at/o sa buong bansa, kaya maaari tayong pumuna ngunit hindi natin maaaring husgahan.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: